Monday, February 9, 2009

Masakit sa ulo.

:) smile. first blog ko. wala lang, nasa mood lang ako na gumawa ng blog na ito. ako ay sabihin nating nabobored, pero sa totoo lang dapat may gagawin ako maliban sa pagtitipa ng keyboard at pag-iisip kung ano ang ilalagay ko dito sa blog na ito. haha! ano ba ang blog. aba'y malay ko. hehe! iniisip ko lang na parang ito na yung diary ko nasasabihan ko ng mga naiisip ko at nararamdaman ko ukol sa nangyayari sa buhay ko at sa kung anu-ano pang pangyayari. so ngayon, naiisip ko naman kasi ay ang pagtira sa dormitoryo. lol. oo.


DORM. tagalog na tagalog 'no? Wala lang gusto ko kasi gawing pormal ang paglalahad nang nasa isipan ko kasi may nabasa akong blog tungkol sa WIKANG TAGALOG na hindi na daw ginagamit ng maayos. haha! Mabalik tayo sa iniisip ko, na gusto kong tumira sa DORM, dahil sa kadahilanan na ako'y hindi pa gumagraduate at kailangan kong mag-tago. oo. mag-tago. Sapagkat ang mga ka-batch ko GRADUATE na, ako hindi pa. ayokong makasabay yung mga kabatch ko na graduate na. huhu. nakakalungkot. kasi ayaw akong payagan ni Daddy. huhu. e gustong-gusto ko rin naman yun para naman matuto akong mabuhay ng mag-isa, i mean, matuto sa gawaing bahay. oo. wala akong alam sa gawaing bahay dahil ako'y isang tamad na bata. =) totoo. wala akong kusa at oo wala akong kwenta. hahaha! Hays. Pero hindi talaga ako pinayagan ni Daddy. Nakakainis nga e. Pero kung ano man ang mangyari, bahala na.


Habang natitipa ako ng keyboard biglang sumagi sa isip ko si Gewriz. Oo. Hindi niyo kilala si Gewriz, siya lang naman yung taong nagpapatibok ng puso ko. LOL. Oo. Nagpapatibok, siya ang nagpapaligaya sa inyong lingkod. Pero, wala siya rito sa Pilipinas kung kaya't ako'y nangungulila na sa kanya. Hindi ko pa siya nakakausap ngayung araw hindi ko siya macontact dahil wala namang load yung cellphone niya dun sa Brunei, kailangan kasi may load siya bago mo siya macontact. Ang hirap talaga ng LONG DISTANCE RELATIONSHIP. pero alam niyo, mahal ko siya, kaya kahit anung mangyari nandito pa rin ako naghihintay para sa kanya. Ang gulo ng utak ko. Siya nga pala, oo, dahil may exams kami bukas. hahaha!!! Examination hindi ako nagrereview. O my. :)) Well. bahala na bukas. Walang papasok sa utak ko kung ganito ako so para saan pa ang pagrereview di ba? .. :( hahaha! Tatapusin ko na muna itong blog na ito dahil ako ay magrereview na habang hinihintay si Gewriz kung sakaling mag-online siya.

No comments: