Wednesday, February 11, 2009

Wala akong magagawa

Eto na naman ako. Maliban sa sakit ng ulo ang nararamdaman ko, nalulungkot ako kasi namimiss ko na si Gewriz kaso wala naman akong magagawa kung talagang wala siyang paramdam sa akin. Walang communication. Nakakalungkot lang talaga kasi ni hindi man lang siya nagtetext sa akin. Hindi ko alam kung bakit, pero nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dun. Wala akong balita sa kanya.

Pero iniisip ko na lamang na masyado siyang abala doon sa ibang gawain maliban sa gawaing bahay. May ginawa siyang VIDEO sa akin at masaya ako dun sa ginawa niya, sobrang natouch ako, kaya lamang e talaga namang nahihirapan na ako, gusto ko makasama ko siya kaso wala naman akong magagawa para mangyare ang gusto ko. Nung LINGGO, hindi siya nagonline pero nakausap ko siya. Nung makalawa, nakausap ko siya saglet dahil may pupuntahan sila, hindi na kami nakapagusap ng matagal, eto na nga ba ang sinasabi ko sa sarili ko e, wala kaming magiging communication wala akong magagawa para makausap siya kahit gustuhin ko, kaya todo iyak na lang ako noon bago siya umalis. May isang buwan na rin siyang wala dito, so sasabihin nating ANIM na BUWAN siya dun. Nabawasan na ng isang BUWAN. LIMA na lang, LIMA PA. Pero uulitin ko .. ANO NMAN MAGAGAWA KO PARAMAKAUSAP SIYA? WALA. OO. Kahit maglupasay ako dito, wala talaga akong magagawa para makasama siya. hahah!

Bente Kwarto Oras . ALMOST. Na bukas ang computer ko, makapagonline ako, nagbabakasakali na magonline siya at makausap ko siya. Hindi ko siya matawagan, bakit? Dahil sa kadahilanan na wala siyang load dun. AT hindi ako makakatawag kapag wala siyang load dun. GETS?! At hindi ka makakabili ng load dito sa 'pinas dahil dun lamang nabibili ang load.

Nasasaktan ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit. Sira ang Yahoo Messenger niya. So SKYPE kami, gumawa ako ng account namin makapagchat lang. aun. So araw-araw ko siyang hinihintay sa SKYPE. :( OO. Walang usapan na maghihintayan kami sa YAHOO o sa SKYPE. So ako lang naghihintay kahit wala siya. Gaya ng sitwasyon namin, hinihintay ko rin siya. na bumalik dito sa 'pinas.

Mahal na mahal ko siya. Kaso parang napapabayaan na niya. Hindi ko naman alam kung kelan kami ulit mag-uusap. Ang hirap. Kakayanin ko. SANA. =( yun lang. Goodluck sa akin. Sa relasyon namin. Kung pagbalik niya meron pang KAMI. o Ikaw at Ako na lang. hindi na KAMI.

No comments: