Monday, February 16, 2009

Word of the day : MASAYA

MASAYA. Ayan ang ating salita ngayon. Kasi ganun ang nararamdaman ng inyong lingkod. haha! TAGALOG. PILIPINO ako, bakit ba?! So eto ako laging nagbblog kapag may naiisip o nararamdaman. Eto, nasa isip ko kasi ngayon ay ang barkada kong si Joyce, wala, naalala ko lamang na namimiss ko na mga kabarkada ko. tsaka ggraduate na sila, gusto ko na talagang gumraduate at makakuha ng trabaho kasi naman, alam niyo RETIRED na ang aking ama, at malapit na rin magretiro si momy. oo. isang anak lang ako, at matanda na rin ang mga magulang ko kung kaya't nasa isip ko na kung anu ang maaari kong gawin para maibalik sa kanila yung kabutihang nagawa nila para sa akin. At tsaka naisip ko kung may na-ACHIEVE na ba akong ngayon sa buhay ko, bigla ko na lamang naisip yung mga ganung bagay. Naisip ko, "may naitulong na ba ako sa mga magulang ko?" "naging mabuti ba akong anak?"

haha. napakadrama. kung nasa isip mo na pagddrama itong blog na ito, tama ka. bakit? dahil ang buhay KULANG kapag walang drama. Minsan kailangan nating tanggapin na hindi sa lahat ng oras dapat na maging masaya o idaan sa biro. hahaha! iyon lamang ang naiisip ko sa ngayon. Eto, tanong ko sa iyo,

"MAY NAACHIEVE KA NA BA?"

"MAY NAGAWA KA NA BA PARA SA MGA MAGULANG MO?"

alam niyo, etong mga tanong na ito, gusto kong aksyunan sa buhay ko, pero wala akong nasisimulan. hahaha! Oo. Gusto ko GUMRADUATE, para makakuha ng maayos na trabaho. Gusto ko ibigay lahat ng maaring makapagpapasaya sa magulang ko. :) ikaw. NAISIP MO BA YUN IBALIK LAHAT ng BINIGAY NILA SA IYO? Alam niyo kasi, pasaway talaga akong babae, anak, tao, hahaha! Sumasagot ako sa magulang ko. Oo. Dahil hindi naman ako Dios. Nga pala , Masama akong anak. >:) Pero lahat ng nagawa ko, napagsisihan ko na. IKAW ba? NAGSISI ka na? .. Madami akong pangarap na maibigay sa magulang ko eto ang mga sumusunod:

- Trip to Europe for 2 ( 1-2months)
- Car at driver para sa kanila
- Supply of VITAMINS and MEDICINES ( para sa pagmemaintain ng health nila)
- Pakainin sa mamahaling restaurant
- Bigyan sila ng bahay sa baguio

ALAM KO . IMPOSIBLE. May kaya ba kami? HINDI. At nasa middle class lang kami. Hindi kami mayaman at hindi ko afford yang mga yan. :)) Pero gagawa ako ng paraan para mangyare yan. heheh!

Mabalik tayo sa buhay pag-ibig. Noong isang linggo, LUNES at MARTES hindi siya nagparamdam. Naloloka na ako. Natuwa ako kasi gumawa siya ng paraan, araw-araw na kaming nagkakausap at nagkakachat dahil sa wakas. NAGLOAD din siya. Grabe. Natutuwa naman ako kasi nag-eeffort siya na magkaron kami ng communication. Masaya ako at nakilala ko siya after that TRAGIC BREAKUP. lol. Hindi niyo nga pala alam yun nangyare bago ko gawin itong blog na ito. Pero etong blogsite na ito is really intended to make blogs before, blogs for Patrick (my ex) LOL. Pero nagulat ako at nabuksan ko pa itong account ko na ito. hehe. Masaya lang ako kasi nararamdaman kong mahal niya ako. at sa totoo lang. MAHAL KO RIN SIYA.

PERIOD NA MUNA. antok na ako e.

No comments: