Wednesday, March 18, 2009

Realizations

Kahapon, I was so upset. Pero we manage to talk about it. After the arguements we had, we realized that WE'RE NOT A PERFECT COUPLE. hehe!

Nag-aaway

Nagtatawanan

Nagkakasagutan

Nagkakaron ng pride

Naglalambingan

Nagbobolahan

Nagkakabiruan

I realized, ako rin ang mali, masyadong makitid ang utak ko. Ayokong maging mali, at ayokong tinatama ako sa paniniwala ko. :))

Pero ginawa niya lahat ng ayaw ko. ahahaha! Siya lang yata ang makapagpapatino sa SPOILED kong utak.

Binabawi ko na yung sinabi kong "parang ayaw ko na" dahil hindi mangyayari yun. Sa tingin ko, mangyayari lang yun kapag nagsawa na ako, dahil sobra akong nasaktan. Pero hindi, hindi niya intensyong saktan ako, kundi pinoprotektahan niya ako para hindi na lumala ang away ko sa isang kamag-aral. (oha! it's DEEP!) hahah!

Sa ngayon, masaya ako. Oo. Ang buhay ay hindi "STABLE" may oras na masaya, malungkot, masakit, nakakabugnot at kung anu-ano pang emosyon. hehe!

Masaya lang ako ngayon, dahil masaya ako.

Nga pala, may paborito akong kanta, LUMA pero may SENSE. "Gaya ng Dati" kanta ni Gary Valenciano .. Tungkol sa Diyos, na dati siya ang laging bukang-bibig natin, nung bata pa tayo, marunong tayo magdasal gabi-gabi, takot tayo gumawa ng masama, pero ngayong malaki na tayo, parang lumalayo na tayo sa Kanya. :) Tinatamaan ako ng kantang to, dahil marami na rin akong nagawang mali, na dapat itama. Kasi kadalasan, kung kelan ko lang Siya kailangan dun lang ako lumalapit sa Kanya. Haha! Marami na akong ginawang masama, pero laging Niya akong pinapatawad. Hindi pa naman huli ang lahat, HABANG MAY BUHAY MY PAG-ASA (pag-asang mapunta sa LANGIT =D ) ahahah! Dasal tayo lagi, wag kakalimutan magsimba. Mag-sisimba na talaga ako. aheheheh!!

God Bless sa lahat! mua!

No comments: