Saturday, March 21, 2009

My Plans

Yes. Ang title ay ang mga PLANO. Siyempre marami tayong mga plano, plano para makamit mo yung goal. Nabubuhay tayo dahil meron tayong goal sa buhay natin. Db? .. Ako kasi yung taong mahilig magplano, pero kadalasan hindi natutupad. hahaha! Sa future, para sumaya ako pati na rin yung mga taong minamahal ko sa buhay. Hehe!



Unahin muna natin itong pag-aaral ko.

- After netong semester, mag-susummer class ako.

- Sa summer class kukunin ko na yung Feasibility Study ko. (which is pre-requisite ng OJT para makagraduate na ako)

- May 18 units pa ako. eto ang mga natitirang subjects ko.

  • Mgt 11 QTM - 3 units
  • Eco10 Managerial Eco - 3 units
  • Mgt20 Feasibility Study - 6 units
  • Mgt21 OJT - 6 units

Ayan, apat na subjects na lang, sa utak ko kasi gusto ko na talagang makagraduate, para magkapera ako at makapagipon na rin sa future ko, gusto ko rin ibalik lahat ng binigay sa akin ng mga magulang ko. :)

- Sana may isa sa dalawang subjs ko .. Ang MGT11 at ang ECO10 .. Para hindi na ako mahirapan sa OJT ko. Gusto ko na talagang makagraduate. :)

Tapos ng summer, June 2009, kukunin ko yung dalawang subj na natitira at isa doon ang OJT ko. Tapos gagraduate na ako!!!


-------



Una kong gagawin pagkatapos gumraduate.

HANAP ako ng trabaho. (Sana mapasok ako ng tita ko sa pinagttrabahuhan niyang kumpanya. o kaya naman sa bangko makapasok ako.)

Pag nakapasok na ako ng trabaho, iipon na ako ng pera para sa bibilhin ko sa magulang ko.

- Mag-iipon na rin ako para sa kotse ni daddy. ( Gusto ko siyang bilhan ng brand new car )

-Sunod kong gagawin ay trip namin nila Daddy at Mommy sa Baguio.

- Mag-iipon para sa pagpundar ng negosyo namin ni Gewriz ( Computer Shop )

- Plano ko rin ituloy yung business ni dady na babuyan, ako maghahandle ng pera.

- Hahanap ng ibang raket maliban sa work na makuha ko. (pangdagdag income)

- Mag-iipon na ako para sa future ko, at pati na rin sa medicines and vitamins nila Mommy at Daddy.

Shet. Mahal na mahal ko mga magulang ko. :(( Pero hindi ko maparamdam. Hahah!!! DAmi akong gustong ibigay sa kanila ...

Pag nagawa ko na lahat ng ito. Try ko magipon pambili ng bahay sa ibang lugar, particularly Baguio, para sa parents ko, para dun sila magrelax at kung anu-ano gawin nila. "They need a break."

Dapat magawa ko lahat ng ito at the age of 23. Ako ay 19 years old .. Mag20 na ako sa November I only have 3 years para dito sa mga pangarap na ito. hahah!!!


---

Sa LOVELIFE . . .



Hindi ko alam kung si Gewriz na talaga ang binigay ni Lord sa akin, pero maluwag kong inaamin siya na ang gusto kong makasama habang-buhay. :)

Nasa Brunei siya e, hindi ko alam magiging sitwasyon namin, pero habang wala siya, gusto ko lang na makapag-ipon, payag din naman ako na dito na lang kami tumira ni Gewriz kasama parents ko. (Grabe no? Bata-bata ko pa iniisip ko na agad mag-asawa. Plano palang po ito.)

Sabi ni momy ok lang naman daw kasi ganun talaga nagiging praktikal lang daw si Gewriz. Totoo. hahah!

-Gusto ko rin, kaso gusto ko makita ng parents ko na magaling sila magpalaki ng anak, na kayang maachieve ang lahat, I mean, hindi nila need magworry para sa kinabukasan ko kasi kaya ko mag-isa dahil iisang anak lang ako. Dba? Hehe! Sayang ang hirap nila sa akin kung wala silang mapapala sa akin dba? ... :)

- Gusto ko magsama muna kami ni Gew, ayaw ko muna ng kasal, kasi gusto ko maenjoy kabataan ko, I mean, makaexperience ng night life, party party, road trip, at kung anu-ano pang gawain ng mga bata. Hahaha!

- Tapos, ayokong ako magyaya ng kasal siyempre nakadepende kay Gewriz yun kung aalukin niya akong magpakasal. :)

- Gusto kong magkababy, mga 3 or 4. Mahirap mag-isa, walang karamay kapag kailangan mo ng masasabihan ng problema. Kahit nasa iyo lahat ng luho, sa iyo lang problema mo. Wala kang lalabasan ng sama ng loob. (kaya eto, blog ako ng blog para mapaglabasan ng sama ng loob.)

(kati ng lalamunan ko .. hahah!)

Ayun. Gusto ko happy family. Every sunday may pinupuntahan. :)

I hope mareach ko tong dream na toh.

Simple Life.

Pero masaya.

and FINANCIALLY STABLE.

Gusto ko patunayan sa mga kamag-anak naming mayayabang, WE CAN, I CAN. :))

Tapos sasabihin ko,

"Minamaliit niyo parents ko purket mayaman kayo? Pwes! Masaya kami ngayon o?! PWEH! BEHLAT!!!! >:P "

Ayan. PERIOD. ^_^

I want a happy yet simple life.

No comments: