Sunday, July 19, 2009

LDR

Long Distance Relationship

Ano ito?

Ito ay relasyon na parehas kayong malayo sa isa't isa. Oo. Malayo. As in MILES AWAY. haha!
Ito ang klase ng relasyon na kailangan ng trust at communication. :) Walang kasiguraduhan kung magggrow kayo pero minsan nagwwork siya.

Actually, may friend ako na ganun .. Nasa Amerika siya, tas yung guy nandito sa Pinas. Mahirap pero nagkasama na sila netong summer after almost 2 years na hindi sila magkasama.
Nagwewebcam sila .. Tapos nagchachat .. :)

Sa amin naman ni Gew, hindi kami nagwewebcam. Chat lang. Pero ok lang naman e. Minsan nagwewebcam siya. Pero my times kasi na hindi siya ngoonline. TOTALLY hindi.

Tapos syempre yung feeling ko naman para akong namatayan. Nung nalaman ko na baka 5 years siya bago umuwi talagang nanlumo ako. Hindi ko alam kung kelan siya uuwi. Walang kasiguraduhan. Sinasabi ko na lang sa kanya na maghihintay ako. Oo. Hihintayin ko siya. Kaso iniisip ko. Kaya ko pa ba maghintay ng 5 years? LIMANG TAON? O hindi na? Kasi minsan naman naiisip ko, naneneglect na niya ako. Pero siguro dahil malayo kami kaya ganito lang ako. Nagiging masyadong emotional.

Mahal ko siya, pero ngayon .. Nagiisip na ako ng negative, kung tatagal pa kami o hindi. Yun lang.

May tiwala ako sa kanya. Sobra.

Right love at the wrong time .

Malayo. Malapit lang naman e parang asa mindanao lang siya.

Pero, wala e. ang hirap.

God help us naman .. :(

Kasi minsan naiisip ko hindi ko na kaya, pero kinakaya ko naman e.

Give us strength.


No comments: